KABANATA
29
Tungkol
sa mga sulat ang nilalaman ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing mga sulat ang
nagbabalita at naglalarawan ng makulay na selebrasyon para sa pista sa San
Diego gayong bisperas pa lamang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa
gayong mga paglalarawan. Ang isa pang sulat ay para kay Ibarra na mula kay
Maira Clara. Punong-puno ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga.
KABANATA
30
Araw
ng pista sa San Diego. Masasaksihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang
selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa pagalat no Pilosopong Tasyo ay mga
pagmamalabis na lalo lamang nagpapahiram sa bayan, ngunit taun-taon ay pilit na
ipanagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang
maipasok na pagbabago ang isang pinunong Pilipinong tulad ni Don Filipo, pagkat
halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
KABANATA
31
Nasa
sa loob na ng simbahan ang mga mamamayan ng San Diego . . . ang mayayaman at
mahihirap, ang mga pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan
kaya`t sarisaring drama sa buhay ng tao ang
mapapanood. Sarisari rin ang mararamdaman. Si padre Salvi ang nagmisa at
nagging kapuna-puna ang madalas na pagkawala niya sa tono ng kanyang binibigkas
at kinakanta. Sa maraming pagyayari ay naipamalas ni Dr. Rizal ang kanyang humor sa pagsulat.
KABANATA
32
Punong-puno
ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre
Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon.
Nag-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa passesermon. Ngunit
habang humahaba ang sermon ni Padre Damaso ay iba-iba ang naging reaksiyon ng
mga tao. Naging mga “barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumabas na tila
nasayang ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon.
KABANATA 33
Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisinta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Nagprisinta siyang magtayo ng pang hugos na gagamitin sa seremonya sa paglalagay ng panulok na bato sa itatayong paaralan sa San Diego. Mukha namang matibay at matatag ang itinayo niyang panghugos. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa hukay na katapat ng panghugos. Kataka-taka ring ang lalaking nagtayo ng panghugos ang nabagsakan niyon, at hindi si Ibarra.
KABANATA 34
Dumalaw sa tahanan ni Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang magingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakhan nitong huli ang matatayog na mga kaisipang ipinahayag ng kaharap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninanais niyong maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan.
KABANATA 35
Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasukan ng munting pag-aalaala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernador-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating su Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparunggit na sinimulan sa kanyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyong muli ang tungkil sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil ni Crisostomo Ibarra. Galit na galit na hinarap ng binata ang pari.
KABANATA 36
Kumalat ang balitang tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan, Bawat grupo ng mamayan ng San Diego ay iba ang naging palagay sa dapat o hindi dapat na ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa`y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihirap na magbubukid ang higit na nalulungkot at nag-aalaala dahil sa maaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin makapag-aaral ang kanilang mga anak.
KABANATA 37
Pati sina Kapitan Tiyago at Maria Clara ay napasama o naapektuhan sa nangyari kina Padre Damas at Ibarra. Naekskumulgado si Ibarra. Pinagbilinan naman si Kapitan Tiyago na putulin ang relasyon niyon kay Ibarra at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Inululuha ni Maria Clara ang nangangannib na pag-iibigan nila ng binata. Pinoproblema naman ni Kapitan Tiyago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangan bayaran niya kaagad kung puputulin niya ang relaston sa sana`y mamanungangin niya.
KABANATA 38
Dumating ang gobernador-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang magbigay-galang. Isa na rito si Ibarra na sadya niyang ipinitawag. Hinangaan niya ang pagmamalasakit ni Ibarra sa sariling bayan at sa mga makabagong ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binata, ngunit sinabi niyang maaring hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.
KABANATA 39
Inilabas ang ikaapat nang prusisyon para sa pagriwang sa kapistahan ng San Diego. Nakipagprusisyon ang iba-ibang uri tao ng tao sa lipunan. Sapagkakaayos at pagkakasunod-sunod ng mga santong iprinusisyon ay mahihiwatigan ang mga paniniwala at katangian ng mga Pilipino noon.
KABANATA 40
Hindi nakipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolascion. Pinagbawalan siyang magsimba ng kanyang asawa dahil sa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya`t si Sisa ang napagbalingan niya at pinagmalupitan.
KABANATA 41
Isa pang pagdiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito`y ang pagtatanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maraming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang pagkabalisa. Kaya`t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan...
18 <3